Babala: Ang mga susunod na talata at pangungusap ay maaring makapagpagising sa inyo sa katatahanan.
Marahil marami ang nagtataka kung ano nga ba ang ginagawa ng
mga estudyante na sakop ng Humanities and Social Science Strand. Ang Humanities
and Social Science Strand ay naglalaman ng iba’t ibang mga specialized
subjects, Philipine Politics at Creative Writing sa unang semester samantalang
Disciplines in Social Sciences at Creative Non-Fiction naman ang para sa
ikalawang semester. Ano-ano nga ba ang dahilan kung bakit importante ang Social
Science at Humanities:
UNA, madami sa kabataan ngayon ang bored na bored sa mga asignatura
na kinabibilangan ng World History, Philippine History, World Religions, and
Social Sciences dahil paniguradong isang katambak na babasahin ang daraanan ng
mga mata mo. Ngunit hindi ba’t kailangan mong malaman ang mga ganap noong
nakaraan para maunawaan ang hinaharap at kasalukuyan. Ang gobyerno na kung saan
tayo ay pinamumunuan, ikaw mismo na anak ng bayan ay dapat alamin ang mga plano
at problemang ikinakaharap ng bansa.
IKALAWA, ang mga HUMSS students ay may kakayahang mahulaan ang
hinaharap. Nakakatuwa diba, may iilan sa inyo na iisipin na, `aba! Magagaling manghuhula pala ang hums
students, sanay magpaikot at pagkatuwaan ang mga posible’ Nagkakamali kayo,
dahil sa pagbabasa ng mga libro ginawa noong nakaraan mas nagkaroon kami
(Kaming mga estudyante ng Humss) unawain ang pagkakamali at tagumpay ng mga
malalakas na tao na tinitingala ngayon. Basa doon, basa dito, nerds nga kung
itawag ng mga millennials. Yes we are nerds because you’ll nerd us after all. (Kidding but whole truth, what?)
IKATLO, ang pagsusulat ay naging daan upang kami ay makalikha ng mga bagong konsepto. Huwag na nating ikaila na ang pagsusulat ay isa sa pinaka inaayawan ng mga estudyante dahil kinakailangan ng malaliman pag-iisip. Kaya’t kaming mga humss students ay mas lalong nagkakaroon ng mas malawak na paguunawa at pag-intindi sa iba’t ibang perspektiba
IKAAPAT, maraming nag-aakala at iniisip na pag ikaw ay galing
sa HUMSS Strand, mas marami kang kaalaman sa pagsusulat kagaya ng pagbuo ng
tula, kanta, kwento, at mahahabang sanaysay. Mas nahahasa ang aming abilidad sa
pagsusulat kung kaya’t kami ay nakakapagehersisyo na rin ng aming mga daliri
dahil sa katerbang mga papel na aming pupunuin ng libo-libong mga salita.
IKALIMA, ang bawat estudyante ng HUMSS Strand ay may pangarap. Matatayog na pangarap na kahit ilang kritisismo pa ang aming matanggap hinding hindi bibitawan ang aming mga hangarin dahil kami ay may ambisyon.
Aminin mo man o hindi isa ka rin sa milyon-milyong tao sa buong mundo na naghangad ng isang propesyon na kinabibilangan ng Humanities and Social Sciences. Iilan lang ang mga ito sa propesyon na posible mong tahakin pag ika'y parte ng HUMSS Strands;
1. Psychologist
Eto yung mga taong kadalasang napipintasan na mga psychic dahil ang kadalasang tanong sa kanila ay "Nababasa mo ang naiisip ko ngayon?" Ang psychology ay isang pag-aaral sa pag-uugali at pag-iisip. Paniguradong sumagi na rin sa inyong isipan kung bakit ganito o ganyan ang galaw ng bawat indibidwal, kung paano sila maki-angkop sa mga tao sa paligid at ano nga ba ang galaw at tinatakbo ng kanilang pag-iisip. Masayang maging isang Pyschologist hindi ba?
2. Sociologist
Hindi ito masyadong kilalang propesyon ngunit kapag nalaman niyo baka pati ang buong klase maging interesado. Ang isang sociology ay isang pag-aaral kung paano nakikisalamuha at nakikiagkop ang mga tao sa kanilang komunidad. Kung ano ang reaksyon nila, klase ng pamumuhay, at iba pa. Ang isang sociologist ay kadalasang lumilibot sa iba't ibang parte ng mundo o bansa upang makita ang social behaviour ng isang lugar.
At ang panghuli,
3. Abogado
Ni minsan ba ginusto mong ipaglaban ka o ipaglaban mo ang taong mahal mo? Pwes, ang pagiging abogado nga ang propesyong nakalaan para sayo. Ang isang abogado ay ang makikipaglaban para sa karapatang pantao. Kahanga-hanga ang mga abogado dahil dumadaan sa isang mahabang proseso bago nila makamit ang propesyong hinahangad nila. Ang kadalasang tawag sa mga abogodo? Mga sinungaling dahil ipinaglalaban pa rin raw nila kahit alam nilang mali ang nasasakdal ngunit ang batas na ang magpapasya para doon at ang tanging magagawa ng ipaglaban ang karapatan ng kanilang kliyente. Ang saya maging abogado hindi ba? Ang maipaglaban at ipanalo ang karapatan ng iyong kliyente at mapanatili siyang inosente.
Huwag mo munang isipin ang iyong minamahal dahil ipaglaban mo man yan o hindi dahil kung mahal ka niya, maghihintay yan at siya na mismo at lalaban para sayo. Isipin mo muna ang mga tao sa iyong paligid, mayaman man o mahirap, kailangan nila ng mga taong magtatanggol sa kanila upang sila patuloy na mamuhay ng mapayapa. Ano gusto mo na rin bang maging abogado?
SALAMAT, SALAMAT SA MGA TAONG MAY MABABANG PAGTINGIN SA MGA ESTUDYANTE NG HUMANITIES AND SOCIAL SCIENCES STRAND. LALO NIYO PANG PINAGTIBAY ANG AMING SAMAHAN AT MAS LALO NINYONG BINIGYAN NG MOTIBASYON ANG BAWAT ISA SA AMIN. MARAMI TAO ANG NANIRA NGUNIT MARAMI RIN ANG BUMUO. HINDI KAMI MGA PERPEKTONG TAO NGUNIT KAMI RIN AY MAY PRINSIPYONG NA KAHIT MINSAN HINDI MATATAPAKAN NG IBA.
Sa mga kamag-aral ko sa HUMSS at para sa mga taong minamaliit ang aming kurso isang tula ang aking ginawa para inyong lahat:

Masakit na paratang
Inyong ipinarating
Mga salitang tumusok sa amin
Hindi namin pinansin
Ngunit sa inakala ng iba kami'y masasaktan
Pasensya na, subalit hindi mga salita ang wawasak sa amin
'Tama na' sabi iba
'Tama nga' sinabi naman niya
Tama na sa mga panghuhusga
Tama nga dahil hindi lang kami basta basta
Mga estudyante pilit bumabangon
Kami'y hinding hindi basta bastang malalamon
Ang aming mga pangarap
Ang siyang aming hinahangad
Kaya't wag niyo nang harangaran
Ang aming mga hangarin
Patuloy kaming lilipad
kaya't kami'y laging magsisipag
Sulong mga kapwa ko mag-aaral
Dahil tayo pa'y magbibigay aral
Salamat sa mga sugat ng salita
Dahil kami'y hinding hindi masisira
Hanggang dito na lang ang aking magpapaliwanag. Oo humss kami at patuloy naming ipagmamalaki iyon dahil yun ang magiging dahilan ng magtayog namin sa hinaharap. Nawa'y ngayon ay nakita niyo na ang mga dahilan kung bakit kami mahalaga. Maraming salamat!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento